Intuition:Wlmsurvey-2012-welcome-text/tl
Ito ang survey para sa mga lumahok sa Wiki Loves Monuments 2012! Hangad ng survey na ito ang makakalap ng istatistika tungkol sa mga lumahok sa Wiki Loves Monuments, ang mga nakahikayat sa kanilang pagsali, at ang kanila na ring mga opinyon kung paano isinagawa ang paligsahan. Balak naming gamitin ang impormasyong ito upang mapabuti ang inyong magiging karanasan sa Wiki Loves Monuments sa 2013, at gawin ang susunod na edisyon ng paligsahan na higit na kaaya-aya, madali, at masaya sa mga lalahok. Gagamitin namin ang inyong kasagutan sa survey na ito upang makagawa ng walang pagkakakilanlang istatistika, at hindi namin gagamitin, ibabahagi at isasapubliko ang ano mang personal na pagkakakilanlan kahit ano pa ang mangyari. Gugugol ng mahigit-kumulang 5 minuto ang pagsagot sa survey na ito, at ngayon pa lang ay nagpapasalamat na kami sa paglaan ng panahon para rito. Tandaan na walang tanong ang sapilitang kailangang sagutin, at maaari kayong lumaktaw kung nanaisin.
Sumasainyo, Elke, Lodewijk, Maarten and Tomasz Wiki Loves Monuments coordinating team, info@wikilovesmonuments.org