MediaWiki:Prefswitch-main/tl

From translatewiki.net
Isang larawan ng bagong ugnayang-mukha ng Wikipedia (palakihin)
Isang larawan ng payak na ugnayang-mukha na pampatnugot ng pahina (palakihin)
Isang larawan ng bagong kahon ng salitaan para sa pagpapasok ng mga kawing

Ang Pangkat na Pangkaranasan ng Tagagamit ng Pundasyong Wikimedia ay nakikilahok sa mga nagkukusang-loob mula sa pamayanan upang mapadali ang mga bagay-bagay para sa iyo. Nasasabik kaming ipamahagi ang ilang mga pagpapainam, kabilang ang isang bagong pagmumukha at pinapayak na mga kasangkapang-katangian sa pamamatnugot. Ang mga pagbabago ay naglalayong magawang madali para sa bagong mga tagapag-ambag ang pagsisimula, at nakabatay sa aming isinagawang pagsubok ng pagkanagagamit sa loob ng nakaraang taon. Isang priyoridad ng Pundasyong Wikimedia ang pagpapainam ng pagkanagagamit ng aming mga proyekto at magpapamahagi kami ng mas marami pang mga pagsasapanahon sa hinaharap. Para sa mas marami pang mga detalye, dalawin ang kaugnay na ipinaskil na blog.

Naririto ang mga binago namin

  • Panglibot: Pinainam namin ang nabigasyon para sa pagbasa at pagbago ng mga pahina. Ngayon, mas malinaw na nilalarawan ng mga panglaylay na nasa itaas ng bawat pahina kung tinitingnan ba ang pahina o isang pahina ng usapan, at kung binabasa mo ba o binabago ang isang pahina.
  • Mga pagpapainam ng kahon ng kasangkapan na pampatnugot: Muli naming inayos ang kahon ng kasangkapan na pampatnugot upang maging mas maginhawa ang paggamit nito. Ngayon, mas payak na ang pag-aayos ng pahina at mas mapangpadama.
  • Mahiwagang kawing: Isang kasangkapang madaling gamitin na nagpapahintulot sa iyo na magdagdag ng mga kawing sa iba pang mga pahina ng wiki pati na mga kawing sa mga sityong nasa labas.
  • Mga pagpapainam sa paghahanap: Pinainam namin ang mga mungkahi sa paghahanap upang mas mabilis kang makapunta sa pahinang hinahanap mo.
  • Iba pang bagong mga kasangkapang-katangian: Ipinakilala rin namin ang isang mahiwagang tabla upang maging maginhawa ang paggawa ng mga tabla at kasangkapang-katangiang panghanap at pampalit upang mapapayak ang pagbago sa pahina.
  • Logo ng Wikipedia: Isinapanahon namin ang logo namin. Magbasa pa ng marami sa blog ng Wikimedia.