User:MarkAHershberger/blog-RTL-Developers-wanted/tl
Pinatatakbo ng MediaWiki ang pinakamalaki at pinakakilalang mga wiki sa mundo. Bilang resulta ng katanyagan ng Wikipedia at pagiging nagagamit at ng damdamin ng pamayanan, hindi na ako makaisip ng iba pang piraso ng sopwer na nagkamit ng mas mainam na suportang i18n. Ang mga proyektong katulad ng translatewiki.net at ang dugtong na Narayam ay sumibol upang painamin ang suportang i18n. Ito ang naging pinakamahusay na katwrian ng Malayang Sopwer: bigyan ang mga tao ng pagmamay-ari ng sopwer at titiyakin nilang tatakbo ito nang mas mainam. Bilang kinalabasan, lahat tayo ay may mas mainam na sopwer.
Sa kabila ng suportang ito, kulang ang MediaWiki at Wikipedia sa ilang talagang napakahalagang mga lugar. Isa sa mga lugar na pinakalantad ito ay sa mga wika na nakasulat mula sa kanan pakaliwa (right-to-left o RTL) sa halip na mula kaliwa pakanan (left-to-right o LTR). Ginagawa namin subukang maayos ang mga suliraning ito, subalit lahat ng mga tagapagpaunlad ay gumagawa sa mga wikang LTR, kaya't hindi namin napapansin ang mga suliranin nang mas mabilis. Ang mga suliranin ay hindi tumititig sa aming mga mukha sa araw-araw at ang mga tagagamit ng wiki na nasa mga wikang RTL katulad ng العربية (arabe), فارسی (farsi), and עברית (hebreo) ay walang angkop na suporta.
Bawat isa sa mga wikang iyon ay may isang wiki na may mahigit sa 100,000 mga artikulo sa loob nito. Hindi ko maiwasang isipin na ilan sa mga tao na umambag sa ganitong mas malalaking mga wiki rin ang may mga kasanayang kailangan upang ayusin ang ilan sa sira ng RTL na maaaring nakainis sa kanila.
Iniisip ko na marahil ang mga tagapagpaunlad ng RTL at ang mga tagapagpaunlad ng LTR ay hindi nag-uugnayan nang sapat. Kaya't kung isa kang tagapagpaunlad ng RTL, payagan mo akong sabihin sa iyo nang maliwanag: Kailangan ka namin! Mayroon kang isang bagay na ang aming pangkasalukuyang mga tagapagpaunlad ng MediaWiki ay wala - isang bagay na masidhi naming kailangan. Maghanap ng isang sira, magpasa ng isang tapal, at ang kodigo mo ay maaaring tumakbo na sa Wikipedia!
Ilang mga sira upang makapagsimula ka na:
- Mg pamagat ng mga artikulo na may mga pamagat na LTR sa loob ng mga wiking RTL ay maaaring ipinapakita nang hindi tama sa loob ng mga kategorya at natatanging mga pahina
- Hindi tuwid na teksto sa ibabaw ng mga pahina ng talaksan (mga wiki ng RTL lamang)
- Ang kinapupuntahan (RTL/LTR) ng mga kahulugan ay dapat na tumugma sa kinapupuntahan ng wika kung saan sila nakasulat
- Tingnan din: RTL na sumusubaybay sa sira para sa lahat ng uri ng mga suliranin ng RTL
Bilang panghuli, mayroon isang pangunahing tampok na kulang sa MediaWiki na nakabuod sa Sira 6100: Pahintulutan ang ibang kapupuntahan (rtl/ltr) para sa ugnayang-mukha ng tagagamit at nilalaman ng wiki. Umaasa akong makahanap ng mga mapagkukunan upang magawang maiharap ang partikular na paksang ito sa loob ng lalong madaling panahon.